Monday, May 21, 2007

23

Di ko akalaing dalawampu't tatlong taon, walo o siyam na buwan na ang nakakalipas ng gumawa ng himala ang mga magulang ko. Tsk... tagal na din pala. Hehehe. Teka, 8 o 9 na buwan?!

Kung tama ang bilang ko ng petsa ng aking kapanganakan at ang kasal ng aking mga magulang, 8 buwan ang diperensya. Ibig sabihin noon, nagmadali akong lumabas sa loob ng nanay ko. Ito kaya ang dahilan ng aking mga pagkukulang sa sarili, dahil kulang ako sa buwan?

Hmmm... Eh kung 9 na buwan naman, normal ako noong lumabas ako, pero, yung bilang sa pagitan ng petsa ng kapanganakan at ng kasal, hindi sakto ng 9 na buwan. Amf, ibig sabihin ba nito ay naglaro sila ng apoy at may dineposito ang erpats ko sa nanay ko na siyang dahilan ng pagpapakasal nila pagkatapos ng isang buwan? Nyahahaha!!! Mga pilyo pala amf!

O baka naman may isang ibon na nagdeliver sa mga magulang ko ng isang sanggol na lalaki noong Mayo 21, 1984? Aba'y ewan, wala pa kasi akong muwang ng mga panahong iyon. Kung tatanungin ko naman sila ngayon tungkol sa discrepancy ng aking kapanganakan at kanilang kasal, baka naman ako'y biglang masipa palabas ng bahay at maging palaboy sa kalsada, hehehe.

Anyway, dahil sa araw ko ngayon, siyempre, katulad ng iba, may mga kahilingan din akong gustong matupad. Eto siguro yung Top 10. Libre lang naman mangarap di ba?

  • Magandang trabaho na papayamanin ako. Kahit may training na ako, di pa rin iyon kasiguraduhan kung giginhawa ang buhay ng pamilya ko. Sana may tumawag na sa akin at bigyan na ako ng exam, interview, o di kaya sabihin na may trabaho na ako na may sweldo na ikakayaman ko.


  • Magtop na may rank na Number 1 sa Board Exams. Dahil nga sa lagpak ako nung unang take ko, siyempre, aim higher di ba? Kaya ayun. Gusto ko pumasa sa susunod na kukuha ako ng exam. At hindi lang basta-basta makapasa, kundi magtop 1.


  • Isang magandang bahay na matatawag naming amin. Umuupa lang kami ng aming tinitirhan. At dahil nga umuupa lang kami, nagkataon, graduate pa ako, nararamdaman ko na din yung mga gastos dito sa bahay. Kung may sarili na kaming bahay, kahit papaano, hindi na namin iintindihin yung bayad sa upa. Kung magkakaroon rin ako ng sarili ko, mas mabuti yun.


  • Bagong PC na maganda ang specs na pwede na yung Windows Vista Ultimate. Yung tipong 2GB memory, 240+ GB hard disk space, 3D-accelerated video card na 512MB memory na DirectX 10 compatible at pwede para sa larong Crysis, mga 2.0+ GHz na processor, 5.1 Dolby Sound System, flat and wide screen na monitor, DVD burner. Samahan pa ito ng internet na malaki ang bandwidth, para mabilis ang daloy ng data. Gusto ko ng magandang PC na masasabi kong pwedeng pang extreme gaming, multimedia at pamirata, hehehe.


  • 2 GB na flash drive. May 1 GB na ako, pero hindi na iyon sapat para sa pamimirata at pagdadownload ng kung anu-ano. Kailangan ko ng mas malaking portable storage. Kung sakaling natupad na yung pangarap ko tungkol sa PC, baka pwede na ito idisregard. (According kay Ninong, P980 ang 2 GB na flash drive. Amf, P1000+ bili ko sa flash drive ko.)


  • Bagong cellphone. Well, maganda na yung cellphone ko ngayon, pero, yung isa, pangit pa rin. 2 ginagamit ko kasi yung isa, nilagay ko sa resume ko. Yung isa, napabili ako ng bago para sa mga kaibigan at kamag-anak ko (wala na halos nagamit ng Smart, eh yun pa yung nagamit ko para sa resume ko, alangan na itapon ko yun.)


  • 2 GB MicroSD card. Hindi ko magamit ng mabuti yung cellphone ko kasi hindi ko pa siya nalalagyan ng dagdag storage at memory. Hindi ako sure kung pwede yung 2 GB, pero kung hindi pwede, pwede na yung 1 GB. Yun kasi nakalagay sa manual eh. Mga nasa P2500 ata yung 2 GB, at P1200 naman yung 1 GB.


  • Matuto ng Niponggo. Ewan ko ba kung bakit nahumaling din ako sa anime. Kaya eto, isa sa mga pampaubos ng oras ko ay ang panonood nito. Ang problema, hindi ko maintindihan mga pinagsasasabi nila, at kailangan pa ng mga fansubs para maintindihan ko. Ang problema, paminsan, makupad yung mga fansubs sa paggawa ng fansubbed anime. Kaya mas mabuti na mag-aral na lang ako mag Niponggo.


  • Scale model ng RX-78-2 Gundam na gawa sa Platinum at may Diamond pa sa ulo nito.
RX-78-2 Gundam Fix Platinum
    Pinakita ito sa isang Watch and Jewelry Show sa Switzerland. Sabi ng Bandai (yung isang kompanya sa Japan na nagmamay-ari ng Gundam Franchise) na wala pa silang balak ibenta ang $250,000 na model na ito. Kung ayaw nila ibigay yan sa akin, pwede na sa akin yung Gundam na nakahiga rito, basta siguraduhin lang nila na gumagana ito, complete with accessories and weaponry. Hehehe, asa ako...

Walang ranking yan, lahat yan pantay pantay. Teka, 9 pa lang yan. Ano pa ba yung isa? Ah yun. Ito ata yung pinakamahalaga na hindi pwede isama sa ranking. Yung huling kahilingan ko, makita yung babaeng mamahalin ko habangbuhay. I'm still searching for her, or rather, I already saw her. Sana siya na yun...

Hindi ko pa din alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon kapag naiisip ko siya. May nagsasabi, patagalin ko pa, kaibiganin ko mabuti. May nagsasabi, sabihin ko na at baka bigla siya mawala at magsisi ako kung siya nga pala yung hinahanap ko. Matagal na din akong walang love life at nararamdaman ko na ayoko na maging single.

Gusto ko ng lakas ng loob na sabihin sa kanya nararamdaman ko. Gusto ko sabihin na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Gusto kong sabihin na kailangan ko siya dahil mahal ko siya. Gusto ko siya maging soul mate, fiancee, at best friend. Gusto ko sabihin na sana, siya ang maging asawa ko, sa harap ng Diyos at harap ng tao. Gusto ko siya maging ina ng mga anak ko. Gusto ko humiling ng pagkakataon para maipakita at mapatunayan sa kanya na mahal ko siya. Gusto ko sabihin na sana, mahalin niya din ako. Argh... ano ba pinagsasasabi ko.

Amf nagdradrama na naman ako... birthday na birthday... hehehe. Anyway, salamat sa mga babati sa akin! Huwag muna kayo magtago at maniningil ako, nyahahaha!!! Sa mga ninong at ninang ko na may utang pa sa akin, buhay pa ako! Nyahahaha!!!

P.S., yung tinutukoy ko na babae dito sa post ko ay iba kaysa doon sa nauna kong entry na censored. Idol ko lang talaga yun. Paghanga lang iyon. Yung tinutukoy ko ngayon, kakaiba talaga nararamdaman ko sa kanya kapag nakikita, nakakausap at nakakachat ko siya...

8 nilalang ang nadesaturate rin...:

yunisee said...

yung parents ko naglaro ng apoy haha buntis na ang nanay ko nung kinasal sila. :P

Happy happy birthday ulit! :D

Ipagdadasal na lang kita. Wala kasi akong pera wahaha

Kaya mo yan. Madali lang naman ang Niponggo >D

Hmmm sino kaya yun? XD

--tintotz said...

Otanjou-bi Omedetou Gozaimasu!

hehe!

ninong said...

Happy Birthday sir drei.

Wish ko magkaroon ka ng gundam na tulad nun... baka pag marami tayong nagwish ng isang bagay makuha natin ang bagay na yun... hehe...

ieemail ko na lang din sayo yung house and lot na regalo ko... haha. wag mo idelete.

Duroy said...

Awww... maraming salamat po! *Tatago na ako, hehehe

Biro lang, sa Saturday, punta ako school
:D

xpal said...

Happy Birthday!yehehehehe!;D

the philosphical bastard said...

hindi ako fan ng gundam pero astig tlga yung nasa pic.

Fjordan Allego said...

Happy Birthday to yeah!!! (with matching kanta pa yan ha hehehe..)

beshan said...

gusto ko rin yung mga nasa list mo...lalo na yung hule...xempre ibang babae...pero kailangang grumadweyt muna ako...para may sense ang future ko...gud luck in achieving your drems...no matter how hard it is...lalo na yung mga gundam figures na trip mo...haha...HAPEE BERTDI ULEEE (for the nth time)!!!