Tuesday, May 20, 2008

Checking the checklist...

To check for the previous list… click here.

  • Job – Hmmm, I love it right now, but I still need to get regular.
  • Board Exam – Heck, do I still need this? Cancelled.
  • Own home – Hmmm, pag naging regular na, para makapagloan. Mas priority ko magkaroon ng sariling bahay kaysa sa kotse.
  • PC – Kaya nang pag-ipunan. Preferably, gawa ng Alienware hehehe.
  • Flash Drive – Accomplished. Can buy it almost anytime I want, basta may budget at kinakailangan.
  • Bagong Cellphone – Dahil sa nanakawan ako ng 2 beses last year, hmmm… Di pa rin ako nakakabili ng magandang cellphone. Preferably, yung mga camera phone ng Sony Ericsson. Kailangan rin sa work kumuha ng pics. Prefer ko yung C902. Pwede na rin madowngrade sa C702, K850i o kaya K810i. Pwede na rin siguro yung PSPhone, kung totoo man yun.
  • Memory Card – isasama na dun sa bagong cellphone.
  • Matuto ng Nihonggo – Cancelled. Preferred ko ngayon German. German boss ko eh hehehe.
  • RX-78-2 Gundam made in Platinum and Diamond/1:1 scale model ng RX-78-2 Gundam – Asa naman akong magkakaroon nyan. Anyway, to be more realistic, prefer ko na yung mga 1:100 HG model kits nina Gundam Exia, Gundam Dynames, Gundam Kyrios and Gundam Virtue/Nadleeh, saka yung pinakafavorite kong Gundam sa Universal Century, Zeta Gundam na may 1:35 model scale na.

Mga napag-isipang idagdag:

  • Playstation Portable – para may mapaglibangan ako, bukod sa PC, at habang wala pa ang PSPhone.
  • Nintendo DS – same as above, kapag trip ko ang mga "kiddie" games.
  • 2008 Mitsubishi Lancer – Gusto ko rin naman magkaroon ng tsikot. What's in this car? Hmmm, well, it has a "Formula 1"-esque shifting gear system. Yung kambyo, basa likod ng steering wheel. Ang alam ko, yung ibang high-end car manufacturers, naimplement na ito. The idea is not unique. Gusto ko lang yung idea na may kotse na may ganitong system na "affordable."
  • Panasonic Toughbook – For work-related purpose. Hmmm, for self-defense purposes also, para pwede kong ipalo sa ulo kung may manghoholdap man sa akin.
  • Taser/Stun Gun – For self defense purposes only. Applicable for irritating officemates (kung meron man, sa ngayon, wala) and mechanics.
  • Sariling domain ng blog ko.
  • Manalo ng jackpot sa lotto – Para matupad na yung mga kahilingan ko na materyal na bagay.
Well I guess that’s all fol… ay… hehe. Meron pa pala… Ano ba yun? Ah, love life… hehehe. Well, applications to be my gf is still ongoing. Wala pa nga nag-aapply actually hahaha!!! Dapat, ako nag-aapply, kaso walang maapplyan, amfness… O baka nag-aapply na rin ako… argh, gulo!!!

Hehe, oh well, marami na ring nangyari, pero… hay. I just hope for there’s really the right opportunity to come…

Segundo na lang… sige, magtatago muna ako...


Friday, May 2, 2008

Ang Payslip...

Image hosted by uppix.net


Eto ang payslip...

Dito mo makikita kung magkano ang nakulimbat mo sa kompanyang nauto mo para nakawan mo sila...

Dito mo makikita kung magkano ang mananakaw sa iyo ng iyong ama, ina, kuya, ate, nakababatang kapatid at kung sino sino pa sa iyong extended na pamilya...

Dito mo makikita kung magkano rin ipapanakaw mo sa gobyerno...

Dito mo makikita na kapag binibigyan ka na nito, sa malamang, hindi ka na bibigyan ng baon ni mommy at daddy...

Kaya kung papipiliin ka, anong gusto mo, maging estudyante at pensyonado ng magulang, o maging trabahador at hindi pensyonado ng magulang?

P.S. Wala lang akong magawa... demet, halos wala nang natira sa sweldo ko... di ko man lang mapaburger sarili ko...

Sunday, April 27, 2008

All in a day... the 2nd time around...

0430-0445 hrs: Gigising ng umaga, magmumuni-muni para sa isang panibagong araw para kumita ng pera... Magkakape…

0445-0515 hrs: Maliligo, magbibihis at mag-aayos ng gamit na dadalhin sa opisina...

0515-0545 hrs: Kakain ng almusal... magtutoothbrush pagkatapos kumain ng almusal... last check ng mga kung anu-ano bago pumasok...

0545-0630 hrs: Kung suswertehin, pang-umaga rin si erpats, kaya makikisabay sa tsikot papuntang opisina. Kung mamalasin, gagastos ng P12 palabas patungong Zapote, P13.75 patunong Airport Road, 5 minutong paglalakad hanggang sakayan papuntang gate 1 ng PAL, at P7.50 papuntang Gate 1, para hintayin ang shuttle papuntang hangar ng LTP.

0645 hrs: Dadating sa hangar, maglologin sa PC, dadaan ng vending machine para bumili ng mainit na kape, papasok sa opisina, bubuksan ang sariling PC, magsusuot ng jacket, titignan ang balita sa CNN, at mag-uubos ng oras hanggang 0730 hrs.

0730-1000 hrs: Simula ng trabaho. Kabilang na rito ang pababasa ng mga AMM, pakikipagdiskusyon sa mga senior engineers, pakikipag-usap sa mga mekaniko na naguguluhan sa mga dapat gawin at pagtutunganga sa PC habang nagtataype ng kung anu-anong mga letra't numero na ikakahilo mo, dahil na rin siguro sa tulong ng malamig na opisina.

1005-1015 hrs: First paid break. Bibili ulit ng kape, at lalabas papuntang parking space at lalasapin ang ultraviolet rays ni Haring Araw...

1015-1130 hrs: Back to work...

1130-1230 hrs: Lunch break... Titingin ng kung anu-ano sa cyberspace, dahil sa mga oras na ito, hindi blocked ang access. Most of the time, pahinga, kasi, kung gagawa ka ng trabaho, baka mabatukan ka pa ng mga senyores. Di naman raw kasi kami binabayaran sa mga oras na ito.

1230-1500 hrs: Back to work ulit...

1500-1515 hrs: Pangalawang paid break. Sa pang-apat na pagkakataon sa araw, iinom na naman ako ng kape at lalabas ng hangar. Ngayon ko lang ginusto ang sikat ng matinding araw ng summer...

1515-1630 hrs: Back to work...

1630 hrs: Naghihintay ng mga iuutos, baka may gawin pa. Kung wala na, pupunta na sa login/logout terminal ng opisina at maglologout.

1645-1700 hrs: Sasakay at bibyahe ng shuttle papuntang Coastal Mall.

1700-1715 hrs: Makikipagpatentero sa iba't ibang klase ng nilalang para makasakay ng bus pauwi.

1715-1745 hrs: Oras ng biyahe, mapipilitang manood ng Ghost Fighter dahil lahat naman ata ng mga bus, GMA pinapalabas.

1745-1810 hrs: Baba ng RFC, tataya sa Lotto, maglalakad pauwi hanggang sa amin.

1810-???? hrs: Dadating sa bahay, magbibihis ng pambahay, lalamon ng hapunan. Magtutoothbrush pagkatapos maghapunan. Kung may natitira pang enerhiya, magbabasa ng mga kung anu-anong ebooks at manuals, at mag-iinternet, hanggang magkaroon na ng lakas matulog...

???? hrs-0430 hrs: Oras ng tulog...

Wash, rinse, repeat the process until notified otherwise.

Saturday, April 19, 2008

Career mode

Hehe, tagal ko na rin pala hindi nakakablog. At napansin ko na isang taon na pala ang blog ko, na ang tanging dahilan lamang ay naimpluwensyahan ako na gumawa para mailabas ang saloobin at hinanakit ng aking sensitibong damdami… Tae, ano na pinagsasabi ko?!?!?!

Ano na nangyari sa akin? Ayun, career mode sa bago kong work. Haha! Who would have thought, I’m in Lufthansa once again.

Earlier this month, once again, they called me for the Xth time, where X is a value of a real number. Hindi ko na alam kung ilang beses na nila akong tinawagan, at ilang exam na rin kinuha ko para sa iba’t ibang posisyon. They said that they are already considering me for the position of jr. planning engineer, and they called me for the job offer. I went to their office at Villamor Air Base.

Anak ng, nag-iingles ako?!?!?!

Ok, as usual, maaga ako palagi hehe. Ayun, binigay na sa akin ang job offer. Hmmm, maganda yung offer, kaya hindi na ako nakatanggi. Wala naman problem sa akin yung salary. Habol ko talaga ay yung maging regular para maavail ko yung mga benefits. Dati kasi, training lang ako at allowance lang binigay sa akin. Di ako nakuntento at ayun, umalis ako. Pero this time, it’s different in a way, kasi, magtratrabaho na talaga ako. I spent my week fixing and passing the needed requirements.

Naghintay ako ng ilang araw at inisip ko na baka sa May ang start ko. Baka mahabang bakasyon na naman. Pero, nagulat ako last week na tumawag ulit ang HR at sinabing pinapareport na ako sa April 16.

Image hosted by uppix.net
Ayan ang temporary i.d. ko na ang sinasabi lang ay empleyado ako ng LTP. Ni wala nga yung pangalan ko amf.

Pumasok na ako nung April 16. The first 1 and a half days, orientation pa lang naman. Marami rin kaming mga bagong empleyado. At may kasama rin ako sa division na papasukan ko. Nung una, medyo nakakaintimidate rin sa mga kasabayan ko kasi mga licensed engineers sila. Pero, ako naman, licensed automotive electrician hehe. Layo sa ECE ‘no? Amfness. Saka in a way, sa ibang school sila galing compared sa akin (yabang amf), kaya ayun, kahit papaano, hindi na ako naintimidate sa kanila. At kahit papaano, may alam na rin ako tungkol sa papasukan kong company at sa eroplano, dahil nakatungtong na rin ako dito sa kompanyang it.

Bale, nung Friday, nagpasa pa ako ng ibang mga requirements at pumirma na rin ng kontrata. Nasabak na rin ako sa trabaho. Puro typing lang naman, pero, mabigat pa rin. Puro deadline pala sila nung araw na iyon sa mga tasks, kaya yung team leader namin, humingi na rin ng tulong sa amin. Mga ilang oras rin yung pagtatype ko ng mga letra’t numero na may maliliit na font. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ibig sabihin ng mga iyon. Alam ko, magsisimula pa lang ang bagong challenge. Kaya siguro ayun, sasanayin ko na sarili ko uminom ng mainit na kape sa umaga dahil bukod sa magandang source ng antioxidants, kakailanganin ko rin iyong pampagising sa opisina, lalo na pag nagloko yung mga customer ng LTP at nagpagawa pa ng mga bagong trabaho.

At ang importante sa lahat, career mode na ako. Matagal na ulit ako makakapagblog (amf, as if active ako...) Siguro, saka na ulit, pag hindi na ako busy o kaya tinopak na naman ako, hehehe.

Oo nga pala, tinutukoy kong Lufthansa ay Lufthansa Technik Philippines. Isa siyang company na nagproprovide ng maintenance, repair and overhaul sa mga iba't ibang klase ng eroplano ng mga airlines. Hindi siya airline. Iba pa siya doon sa Lufthnasa Airways, although kaparte dati ang Lufthansa Technik (parent company ng LTP) ang Lufthansa. Mahabang istorya yung tungkol doon, pero, kung hihingi kayo ng ticket o kaya discount sa Lufthansa, wala kayong maaasahan, kasi hindi ako sa airlines nagtratrabaho, ok?